ngayong linggo, nakalaan ang ating pansin sa pag-gunita ng araw ng mga puso. karamihan, kung hindi lahat satin ay abala sa pag-bili ng mga bulaklak, mga minatamis at kung anu-ano pang bagay na makakapagpahabag sa puso ng ating nobya o asawa. ngunit sa isang katulad ko na nag-iisa lang, masasabi ko ba na kasama ako sa mga dapat magdiwang ng araw na ito? syempre, sasabihin ninyo, "oo" sa dahilan na "ang pag-ibig naman ay para sa lahat, may kabiyak man o wala." pero teka, kung ganon nga, eh baket tuwing sasapit ang ganitong panahon, ang makikita nalang natin na nakadikit sa pag-gunita ng araw ng mga puso ay si kupido, dalawang puso ng mga nagmamahalang mag-nobya o mag-asawa, at, nito lamang nakaraang sabado sa panulukan ng roxas at quirino, mga pagtitipon na para lamang sa mga taong may kasama sa buhay? maari ba namang pumunta ka doon at kaibigan lang ang iyong kasama tapos hindi kayo maghahalikan? buti sana kung ganon ka-bukas ang isip ng kaibigan mong lalake o babae. kung hindi, jologs ka kung ganon. pumunta ka pa, diba?
ganon na ba talaga ang tingin ng lipunan sa araw ng mga puso? hindi naman sa nagrereklamo ako dahil wala akong nobya, ngunit siguro naisip ko lang ito kasi nasanay nako na nag-iisa at nakikita ko ang hindi nakikita ng ibang tao. siguradong kokontrahin ko ang mga sinabi ko kung may nobya nako ng dalawa, tatlo o apat na taon nang nakakaraan. ito nalang ba ang nakikita nating anyo ng pag-ibig? paano na yung pagmamahal sa magulang, sa kapatid, kamag-anak, kaibigan....eh yung pagmamahal sa bayan, dapat din bang isama sa pagdiwang ng araw ng mga puso?
alam natin na maraming anyo ang pag-ibig. ang nakakalungkot lang isipin ay alam nga natin ito, ngunit dalawa o tatlo lang ang kinikilala natin. ang mas malala pa, iisa lang ang ating pinag-kukusang loob na bigyang buhay o bigyang pansin sa ating pang araw-araw na gawain. nakakahangang tignan ang ilan sa ating mga kababayan na nagbibigay ng parangal sa ating bansa sa paglahok at pagwagi sa iba't ibang timpalak o tagisan ng talino, ganda, lakas, sining at marining silang sabihin na para sa bayan ang kanilang tagumpay. kagaya ng kay manny pacquiao ilang linggo na ang nakakaraan. nakita natin kung paano sya nakapagpa-isa, kahit ilang oras lang, sa ating bansa nang manalo sya sa kanyang kalaban at napatunayang magaling ang pinoy. ngunit hanggang doon nalang ang pagkakaisa natin. nung nabanggit nyang dapat na tayong magkaisa para malunasan na ang ating problema, marami sa ating kababayan ang nag-taas ng kilay at sinabing, "naku, napulitika lang yan ni gloria dahil kasama nya ang unang ginoo sa mga nanood sa laban nya." putang ina!! ganon nalang ba ang kayang gawin ng kabilang panig sa pulitika? ang sirain ang salita ng isang nagbigay parangal satin? hindi ko na palalawigin pa ang paksang iyon kasi iyon ay ibang pag-uusap na.
ang nais ko lang naman ay pansinin natin ang iba pang anyo ng pag-ibig. siguro, sa mga nangyayari sa bansa natin, nakakalimutan na natin na hindi lang pagtibok sa pansariling pagmamahal ang dapat nating maramdaman, ngunit mas palawakin pa natin ito. sa mga namatay sa pasig noong nakaraang sabado, sa magulang na naghihirap para tayo'y makatapos sa pag-aaral, sa ating kapatid na nagtiya-tiyaga sa ating kakulitan, kabulastugan at kalokohan, o sa mga kaibigan nating matagal na nating hindi nakikita o nakakausap man lang; nararapat din silang mahalin, at isama sa pag-gunita ng araw ng mga puso.
siguro nga, nagrereklamo lang ako. kainis pag wala kang nobya 'no?